Jun 5, 2007

Publication in Journal Online

Please check out this link or read below:

SI Andrea del Rosario na yata ang pinaka-busy sa lahat ng Viva Hot Babes. Hindi man masyadong napagkikikita, marami namang natatapos na proyekto’t pelikula. Maliban sa Margarita, magkasabay din pala niyang ginawa ang indie movie na Chopseuy at ang One Percent Full, na for international release. Kuwento nga ni Ronnie Ricketts, co-star at director ni Andrea sa One Percent Full, laging “laglag” sa pagod ang huli tuwing nagre-report sa shooting, pero nakapagde-deliver pa rin oras na gumiling na ang kamera. Si Ronnie nga pala at ang kaibigang Hollywood martial arts expert na si Burton Richardson ang magkatulong na nag-bankroll ng naturang pelikula sa ilalim ng Rocketts Productions at Fat-Free Entertainment. Dito sa ’Pinas naisip mag-invest ni Burton dahil sa bureaucratic system sa Hollywood. Bago raw ma-approve ang isang proyekto, marami munang dapat daanan na, sa bandang huli, halos hindi na makilala ng may akda ang project sa rami ng pinalitan ng powers-that-be. Puring-puri rin ni Burton, martial arts trainor ng international stars gaya nina Steven Seagal at Keanu Reeves, ang Pinoy actors sa pagiging professional. Anyway, bago dalhin sa Amerika, naka-schedule na magkaroon ng premiere showing ang One Percent Full sa October 7, 7 p.m., sa SM North EDSA Cinema 6. Ang regular run naman ay magsisimula sa October 10.

People's Tonight